Logo
FEATURED

EX-PAL PRESIDENT JAIME BAUTISTA SUSUNOD NA DOTR SECRETARY

Published Jun 23, 2022 04:06 PM by: NET25

EX-PAL PRESIDENT JAIME BAUTISTA SUSUNOD NA DOTR SECRETARY

Si dating Philippine Airlines (PAL) president at chief operating officer na si Jaime Bautista ang susunod na secretary ng Department of Transportation (DOTr). Ito’y matapos siyang hirangin ni incoming president Frdinand ‘Bongbong’ Marcos na papalit kay incumbent Transport Secretary Arthur Tugade. Nabatid na tinanggap ni Bautista ang posisyon matapos personal na makipagkita kay Marcos sa kanyang tanggapan sa Mandaluyong. Naging presidente ng Philippine Airlines si Bautista mula 2004 hanggang 2012. Bumalik siya upang pamunuan muli ang airline noong 2014 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 2019. Aminado si Bautista na mas malaki ang kanyang responsibilidad bilang pinuno ng DOTr kaysa sa kanyang naging responsibilidad bilang pangulo ng PAL. Pero naniniwala rin si Bautista na kuwalipikado siya sa posisyon dahil sa kanyang karanasan sa mga operasyon sa paliparan at eroplano magagamit niya bilang susunod na Kalihim ng Transportasyon sa Hulyo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News