Logo
FEATURED

OCTA NAGBABALA NA MAGING SUPERSPREADER ANG DOLOMITE BEACH

Published Oct 24, 2021 01:47 PM by: NET25

OCTA NAGBABALA NA MAGING SUPERSPREADER ANG DOLOMITE BEACH

Nagbabala ngayong Linggo ang OCTA Research Group na posibleng maging superspreader event ang Dolomite Beach sa harap naman ng pagdagsa ng mga tao. Sinabi ni OCTA fellow, Prof. Guido David na pang Alert Level 1 na ang pagdagsa ng mga tao sa Dolomite Beach. "Posibleng superspreader yan kahit na sabihin nating may mga bakunado. Yung mga bakunado pwede pa rin nilang madala ang virus sa ibang tao, tapos nasa beach at maraming batang hindi bakunado, talagang possible na superspreader event yan," ani David. Aniya, dapat maghinay-hinay ang mga tao sa paglabas sa harap pa rin ng banta ng COVID-19. "Hindi naman nangangahulugan na back to normal na tayo, na pwede na tayong magpuntahan sa beach. Sana'y maghintay-hintay lang tayo ng konti para sa ganito kasi pababa na rin naman ang mga kaso," ayon pa kay David.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News