Logo
FEATURED

3 MANGINGISDA, NA-RESCUE NG COAST GUARD SA BENHAM RISE

Published Oct 24, 2021 01:35 PM by: NET25

3 MANGINGISDA, NA-RESCUE NG COAST GUARD SA BENHAM RISE

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda na unang iniulat na nawawala sakay ng isang motorbanca sa karagatang sakop ng Benham Rise sa Pandan, Catanduanes. Ang mga nasagip na mangingisda ay kinilalang sina Romeo Bernardo, 59; Freddie Lubiano, 54; at si Glen Lopez, 44. Ayon sa PCG, sila ay natagpuan matapos ang apat na oras na search and rescue (SAR) operations, sakay ng distressed motorbanca, F/BCA BENEDECT UNO. Hinila naman ng SAR team ang nasabing bangka sa Barangay Del Norte, Pandan, Catanduanes para sa repair. Sinabi ni Lubiano na siyang Boat Captain na nagkaroon sila ng engine trouble habang patungo ng Barangay Napo, Pandan, Catanduanes matapos ang kanilang pangingisda sa katubigan ng Benham Rise. Photo Courtesy of Philippine Coast Guard FB

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News