Logo
FEATURED

145th MALASAKIT CENTER, PASISINAYAAN SA CAMP CRAME

Published Oct 24, 2021 01:32 PM by: NET25

145th MALASAKIT CENTER, PASISINAYAAN SA CAMP CRAME

PASISINAYAAN bukas, Oktubre 25, ang Malasakit Center sa loob ng Camp Crame, Quezon City. Ang nasabing pasilidad ay ika-145 na sa buong Pilipinas. Batay sa ulat mula sa Philippine National Police (PNP), inaasahan ang pagdating ni Senator Bong Go upang pasinayaan ang launching ng pasilidad. Ang pagtatayo ng Malasakit Center ay alinsunod sa batas at nasa ilalim ng Malasakit Center Act at sakop din ito ng Universal Health Care. Isa itong One-Stop Shop na naglalayong tulungang pinansyal sa pagpapagamot at medisina ang mga higit na nangangailangan. Ang Malasakit Center ay kalipunan ng mga ahensya na aagapay sa indigent patients kasama ang Departments of Health, Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Samantala, nilinaw naman ni Office of the President-Malasakit Assistant Secretary Girlie Veloso na hindi eksklusibo sa pulis ang bagong center sa loob ng Camp Crame at ito ay sa lahat, at depende aniya sa PNP kung ano ang guidelines para makapasok sa kampo. "Para sa lahat. Walang pinipili. Now depende sa PNP maglabas sila guidelines paano magka avail ang public because I understand hindi naman sino-sino lang pwede pumasok d'yan," ayon kay Veloso.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News