Logo
FEATURED

SECURITY GUARD NA NAKIPAGSAGUTAN SA BRGY OFFICIALS, PATAY SA PAMAMARIL

Published Oct 24, 2021 01:30 PM by: NET25

SECURITY GUARD NA NAKIPAGSAGUTAN SA BRGY OFFICIALS, PATAY SA PAMAMARIL

NASAWI ang isang security guard nang mauwi sa barilan ang pakikipagsagutan sa mga barangay officials habang nagbabantay sa pinapasukang banana plantation sa Barangay Brar Datu Anggal, Midtimbang, Maguindanao. Kinilala ang biktima na si Armad Kanapia, habang sugatan sina Datu Pagayao kasama si Kautin Sanday, mga tauhan ni Barangay Brar Chairman Ugalingan Pagayao. Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Jibin Bongcayao na nagsagawa ng clean up drive ang grupo ni Pagayao habang naglalagay ng tent ang mga blue guard sa pamumuno ni Sadrudin Bantang sa plantasyon ng saging. Biglang nagkasagutan ang dalawang grupo na may matagal nang alitan na humantong sa barilan. Dahil sa takot ng mga sibilyan ay lumikas ito patungo sa mga ligtas na lugar. Nang magresponde ang mga sundalo at pulis naabutan pa nila ang tatlo katao na sangkot sa barilan kaya dinis-armahan ito. Nakuha sa tatlo ang isang M14 rifle, isang kalibre .45 na pistula, isang 12-gauge shotgun, mga bala at magasin.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News