Logo
FEATURED

SCATTERED RAINS SA NCR AT LUZON, DAHIL SA LPA

Published Oct 24, 2021 01:15 PM by: NET25

SCATTERED RAINS SA NCR AT LUZON, DAHIL SA LPA

ANG low pressure area (LPA) na nakapaloob sa intertropical convergence zone ang sanhi ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at iba’t ibang bahagi ng Luzon. Sa bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) huling namataan ang LPA sa San Vicente, Palawan na nakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang Metro Manila, Visayas, buong Region 4, Bicol Region, mga lalawigan ng Aurora at Bulacan ay makararanas ng scattered rainshowers na may kasamang pagkulog at pagkidlat. Mainit na hangin at maulap na papawirin pa rin ang daranasin ng Batanes at Babuyan Islands. Asahan pa rin ang flashfloods at landslides. Katamtaman at malakas na alon ang maitatala sa karagatang sakop ng Luzon. Sumikat ang araw alas- 5:49 ng umaga at lulubog alas-5:31 ng dapithapon. Photo Courtesy Screenshot from Dost_pagasa FB

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News