Logo
FEATURED

SARA DUTERTE KINUMPIRMANG NAKIPAGPULONG KAY BBM

Published Oct 23, 2021 09:09 PM by: NET25

SARA DUTERTE KINUMPIRMANG NAKIPAGPULONG KAY BBM

Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakipagpulong ito kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. "Confirmed po na nagkita kami ngayon lang ni Presidential aspirant at former Senator BBM sa masayang pagdiriwang ng birthday ni Cong. Yedda, maybahay ni House Majority Leader Martin Romualdez sa Cebu," sa post ni Duterte-Carpio. Samantala, hindi naman nabanggit ni Duterte-Carpio ang kanilang pinag-usapan sa kanilang pagkikita. Ibinahagi rin ng alkalde na nakipagkita rin siya kay Senador Imee Marcos. "Manang Imee kumusta ka na? Maraming salamat sa pagbisita at suporta palagi," post nito kasama ang larawan nilang dalawa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News