Logo
FEATURED

BAGONG KASO NG COVID-19 MULING SUMAMPA SA 5,000 LEVEL

Published Oct 23, 2021 09:08 PM by: NET25

BAGONG KASO NG COVID-19 MULING SUMAMPA SA 5,000 LEVEL

SA IKALAWANG pagkakataon ay muling sumampa sa 5,000 level ang daily new cases ng COVID-19. Magugunitang sa nakalipas na araw ay bumaba ng hanggang 3,000 level ang daily recorded cases ng nasabing virus at kahapon ay tumaas ng hanggang 5,823 at ngayong araw, Oktubre 23 ay naitala ang 5,807 mga bagong kaso. Batay sa DOH case bulletin number 588, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,751,667 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas. Sa naturang kabuuang bilang, 2.3% na lamang o 63,051 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman, kabilang dito ang 77.7% na mild cases, 8.89% na moderate, 6.5% na asymptomatic, 4.9% na severe at 2.1% na kritikal. Nakapagtala rin lamang naman ang DOH ng 9,578 bagong gumaling sa karamdaman. Sa kabuuan, umaabot na sa 2,647,031 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.2% ng total cases. Mayroon namang 65 pasyente ang pumanaw dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19 kaya’t umakyat na sa 41,585 ang COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.51% ng total cases.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News