Logo
FEATURED

BAGONG TAON, BAGONG PAGTAAS NG SWELDO SA ONTARIO

Published Jan 15, 2022 03:12 PM by: TESS DE JESUS

BAGONG TAON, BAGONG PAGTAAS NG SWELDO SA ONTARIO

TORONTO - Bilang bahagi ng planong palaguin ang ekonomiya para sa lahat, itinaas ng gobyerno ng Ontario ang minimum na sahod sa $15.00 kada oras. Tumaas din ang espesyal na minimum na sahod para sa mga mag-aaral na wala pang 18 taong gulang, mga manggagawa sa bahay, pangangaso, pangingisda, bartender at server ng mga restaurants. "As the cost of living continues to rise, our government will never stop working for workers, including by putting more money into their pockets," saad ni Premier Doug Ford. "Ontario’s workers deserve a raise, and today we’re delivering one. There’s no better way to support hard-working Ontarians right now than raising the minimum wage." "As we usher in a new year, our government is making unprecedented changes to rebalance the scales and put more workers in the driver’s seat," sabi ni Monte McNaughton, Minister of Labour, Training and Skills Development. "With the cost of living rising, this raise gives a hand up to the workers and families who need it most." Mula Enero 1, 2022, ang mga sumusunod na sahod ay naitaas sa Ontario: - Ang pangkalahatang minimum na sahod ng mga manggagawa ay kumikita na ngayon ng $15.00 kada oras, isang pagtaas mula sa $14.35. - Ang mga server ng alak ay nakatanggap ng pagtaas ng suweldo mula $12.55 hanggang $15.00 kada oras. - Ang mga mag-aaral na wala pang 18 taong gulang na nagtatrabaho ng 28 oras sa isang linggo o mas maiksi pa kapag ang paaralan ay nasa sesyon o nagtatrabaho sa panahon ng bakasyon sa paaralan, ay itinaas ang kanilang suweldo mula $13.50 hanggang $14.10 kada oras. - Ang mga homeworker, yaong mga nagtatrabaho sa labas ng kanilang sariling mga tahanan para sa mga employer ay tinaas ang suweldo mula $15.80 hanggang $16.50 kada oras. "For too long, workers have been falling behind and wages have not kept up with the cost of living, which is why we are raising the minimum wage to support those who have helped keep our economy moving throughout the pandemic," pahayag ni Peter Bethlenfalvy, Minister of Finance. "Working for workers is just one part of our plan to Build Ontario and lay the foundation for jobs, prosperity and growth." Ang mga pagtataas ng minimum na sahod na ito ay batay sa mas malawak na pag-aksyon ng gobyerno upang suportahan, protektahan, at akitin ang mga manggagawa, at iluklok ang Ontario sa nangungunang lugar na may pinakamataas na antas upang manirahan, magtrabaho at magpalaki ng pamilya ang Ontario.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News