Logo
FEATURED

AWTORISASYON SA PFIZER PAXLOVID, PINAG-AARALAN PA NG HEALTH CANADA

Published Jan 15, 2022 02:58 PM by: TESS DE JESUS

AWTORISASYON SA PFIZER PAXLOVID, PINAG-AARALAN PA NG HEALTH CANADA

Posibleng ilabas sa susunod na 10 araw ang desisyon ng Health Canada kung aaprubahan ang Pfizer Paxlovid at Merck Molnupiravir, parehong antivirals na panlaban sa SARS-Cov-2 virus. Suportado ng mga health leaders at premiers sa Canada ang pagbibigay ng awtorisasyon dahil na rin sa matagumpay na clinical trials, lalo na ang sa Pfizer. Sinagot naman ni Chief Medical Advisor Dr. Supriya Sharma ang mga nagsasabing mabagal raw ang Health Canada sa paglalabas ng desisyon. "Maybe this is being a bit blunt, but the people that are making those comments usually have no regulatory experience and don't have access or know about the to-ing and fro-ing that we're doing with the company," aniya. Ayon naman kay Pfizer Canada spokesperson Christina Antoniou, hindi pa maisasapubliko ang impormasyon tungkol sa pagpapadala ng gamot sa Canada hangga't walang pagpapatibay mula sa Health Canada.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News