Logo
FEATURED

$375M MISSILE SYSTEM, BIBILHIN NG PILIPINAS SA INDIA

Published Jan 15, 2022 12:08 PM by: NET25 News

$375M MISSILE SYSTEM, BIBILHIN NG PILIPINAS SA INDIA

Plantsado na ang kasunduan para mabili ng Pilipinas ang isang shore-based anti-ship missile system mula sa India sa halagang $375 milyon. Ang Pilipinas ay nasa mga huling yugto ng P300-bilyong proyekto para i-modernize ang military hardware na meron pang warships noong World War II at helicopters na ginamit ng Amerika sa Vietnam War. Sa ilalim ng kasunduang sangkot ang gobyerno ng India, ihahatid ng Brahmos Aerospace Private Ltd ang tatlong baterya, train operators, maintainers at magbibigay ng logistics support, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Taong 2017 pa pinlano ang pagbili subalit nagkaroon ng pagkaantala sa budget allocation at suliraning dulot ng pandemya. Noong 2018, bumili ang Pilipinas ng Israeli-made Spike ER missiles, na unang ship-borne missile system para sa maritime deterrence. Sa kabila ng magandang ugnayan sa pagitan ng China at Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, naninindigan pa rin ang Beijing sa pag-angkin sa mga bahagi ng South China Sea. Patuloy itong iniaapela ng Pilipinas, Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam. Matatandaang iginiit sa 2016 international arbitration ruling na walang legal na basehan ang pang-aangkin ng China. [Photo: ROLEX DELA PENA / POOL / AFP]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News