Logo
FEATURED

DJOKOVIC, HINAHARASS NG AUSTRALIA - SERBIAN PRESIDENT

Published Jan 15, 2022 09:05 AM by: NET25 News

DJOKOVIC, HINAHARASS NG AUSTRALIA - SERBIAN PRESIDENT

Hindi na nakapagtimpi ang presidente ng Serbia matapos makansela sa pangalawang pagkakataon ang visa ni world no. 1 Novak Djokovic sa Australia. Sa video na ipinost sa Instagram, kinwestiyon ni Serbian President Aleksander Vučić kung bakit hina-harass ng gobyerno ng Australia si Djokovic at kung kailangan ba itong gawin para lang manalo sila sa eleksyon. "If you wanted to forbid Novak Djokovic to win the [Australian Open] trophy for the 10th time, why didn't you return him immediately, why didn't you tell him that it was impossible to get a visa?" ani Vučić. "Why do you harass him, why do you mistreat him, as well as his family and [a] nation that is free and proud? Nakatakdang sumailalim sa interview si Djokovic sa Immigration bago muling i-detain matapos hamunin ng kaniyang mga abogado ang desisyon ni Australian Immigration Minister Alex Hawke. "We will fight for Novak Djokovic and the fact that you will harass him for a day, two or five more will not change the sentiments of our people towards the people of Australia that we highly respect and appreciate, but also our opinion about Novak Djokovic," dagdag pa ni Vučić. Si Djokovic, na hindi pa nababakunahan, ay isa sa mga pinaka-high profile Covid-19 vaccine sceptics. Gumamit siya ng medical exemption para makapasok sa Australia, lumahok sa Australian Open at subukang masungkit ang kaniyang ika-21 Grand Slam title. [Photo: MARTIN KEEP / AFP]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News