Logo
FEATURED

BILANG NG MGA BAGONG KASO NG COVID-19, HINDI NAKIKITAAN NG PAGBABA

Published Jan 14, 2022 08:02 PM by: NET25

BILANG NG MGA BAGONG KASO NG COVID-19, HINDI NAKIKITAAN NG PAGBABA

PATULOY ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas batay sa pinakahuling datos na inilabas ngayon ng Department of Health (DOH). Ang bagong kaso ngayong Enero 14 ay nasa 37,207 dahilan para sumampa na sa 3, 129,512 ang kabuuang mga kaso sa bansa. Umabot na rin  ang aktibong kaso sa 265,509 na ang karamihan ay mga mild cases at asymptomatic. Sa kabila nito, tumaas din ang bagong naitalang recoveries na umabot sa 9,027  habang  81 naman ang nadagdag sa  death toll. Sa bilang ng iniulat na pumanaw,  21 lamang ang naitala ngayong buwan ng Enero 2022 habang ang iba ay nangyari pa sa nakalipas na mga buwan ng 2021. Sa kasalukuyan umakyat na sa 2,811,188 ang gumaling na sa virus habang pumalo na sa 52,815 ang namamatay.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News