Logo
FEATURED

BAGONG RECORD HIGH COVID CASE, SUMIPA SA 37,207

Published Jan 14, 2022 06:20 PM by: NET25

BAGONG RECORD HIGH COVID CASE, SUMIPA SA 37,207

Muling nakapagtala ng record high na bagong kaso ng COVID na pumalo sa 37,207 nitong Biyernes sanhi para umakyat ang kabuuang bilang ng kaso sa 3,129,512. Nakapagtala ang DOH ng 47.3% positivity rate sa 81,737 indibidwal na isinalang sa COVID-19 tests nitong Enero 12. Ang mga pasyente na gumaling ay 9,027 o total recoveries na 2,811,188. Nasa 81 pasyente ang nasawi o 52,815 death toll. Naitala ang mga aktibong kaso sa 265,509. Sa mga active cases, nasa 8,325 ang asymptomatic, 252,502 mild, 2,913 moderate, 1,469 severe, at 300 critical. Sa buong bansa, naitala ang utilization rate sa ICU beds sa 46%, nasa 47% sa isolation beds, 48% sa ward beds, at 19% sa ventilators. Sa Metro Manila, ang utilization rate sa ICU beds ay 55%, nasa 55% sa isolation, 67% ward, at 26% ventilators. Samantala, patuloy umanong tataas ang mga kaso ng COVID-19 at maaaring umabot pa ang peak nito hanggang sa unang linggo ng Pebrero, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Dahil dito, inirekomenda ng DOH na iprayoridad ang mga health workers, mga matatanda at mga taong may comorbidities sa COVID-19 testing upang mabigyan kaagad sila ng tamang medisina sa maagang panahon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News