Logo
FEATURED

5-10M DOSES NG PFIZER VACCINES PARA SA 5-11 ANYOS, DARATING NA 

Published Jan 14, 2022 03:19 PM by: NET25

5-10M DOSES NG PFIZER VACCINES PARA SA 5-11 ANYOS, DARATING NA 

KINUMPIRMA ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na darating na sa ikatlong linggo ng Enero ang isang batch ng Pfizer-BioNTech vaccine para sa mga batang edad 5 hanggang 11 anyos. Sinabi ni Romualdez na ang 5 hanggang 10 milyong doses na magmumula sa Estados Unidos ay darating nang mas maaga sa kanilang inaasahan. Idinagdag pa nito na inaasahan ang susunod na batch ng bakuna para sa naturang age group ay darating sa Pebrero. Bilang pinakamalaking donor sa COVAX facility, ang Estados Unidos ay nakapag deliver na sa bansa ng mahigit 65 million COVID-19 vaccine doses. Target ng gobyerno na mabakunahan ang 90 milyong Pinoy hanggang sa Hunyo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News