Logo
FEATURED

YORME, TUTOL SA ‘SUBSTITUTION’ SA KANDIDATURA

Published Oct 14, 2021 11:52 AM by: NET25

YORME, TUTOL SA ‘SUBSTITUTION’ SA KANDIDATURA

Hindi sang-ayon si Manila Mayor at Presidential candidate Isko Moreno Domagoso sa 'substitution' ng mga kandidato na tatakbo para sa halalan. Gayunman, umaasa ito na sa susunod na eleksyon ay hindi na ito papayagan pa ng Comelec. Sinabi ni Domagoso na personal umano nitong opinyon ang hindi pagpabor sa nasabing pagpapalit ng kandidatura ngunit umiiral ito sa bansa hangga’t nakasaad na hindi ito ipinagbabawal ng batas. “I don’t believe that the people deserve it. Our ignorance lalo pang pinangangalandakan,” ani Domagoso. “Substitution, the law allows it, sad to say. I hope someday it will be changed. I don’t believe in that, kasi ang tawag mo diyan, tsinutsubibo tayo, fine ferris wheel, pinapaikot tayo, Filipinos don’t deserve it,” dagdag pa ng Alkalde. Ang pahayag ng Alkalde ay bunsod ng pag-asa at paniniwala ng mga supporters ni Davao City Mayor Sara Mayor Sara Duterte-Carpio na maari pang magbago ang kanyang desisyon para tumakbo bilang pangulo sa halalan sa darating na Mayo 2022. Iginiit naman ni Yorme na tuloy ang kanyang pagtakbo at hindi niya babaguhin ang kanyang desisyon sa pagtakbo sa pagka-pangulo sapagkat ang mga mamamayan ay nangangailangan ng pagpapasiya lalo na nasa gitna ng pandemya ang bansa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News