Logo
FEATURED

P6.5 MILYONG HALAGA NG ECSTASY, NAKUMPISKA NG CUSTOMS

Published Oct 14, 2021 11:23 AM by: NET25

P6.5 MILYONG HALAGA NG ECSTASY, NAKUMPISKA NG CUSTOMS

Panibagong shipment ng ecstasy tablets mula sa Germany ang nasabat ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City at itinurn over sa PDEA kahapon, Oct.13  Sa inisyal na eksaminasyon sa mga pakete, natuklasan sa dalawang improvised pouches na naglalaman ang mga ito ng kabuuang 3,865 hexagon tablets at skull tablets na nakumpirmang ecstasy tablets. Ang mga tableta ay may kabuuang market value na P6,570,500.00. Ang mga nasabat na ecstasy ay nasa kustodiya ngayon ng PDEA para sa case profiling at build up laban sa mga taong responsable at sa posibleng pagsasampa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Inaalam pa ng BOC kung sino ang nagmamay-ari o consignee ng parcel.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News