Logo
FEATURED

TAIWANESE NATIONAL NA WANTED SA TANGKANG PAGPATAY SA KANYANG KABABAYAN, ARESTADO

Published Oct 14, 2021 11:18 AM by: NET25

TAIWANESE NATIONAL NA WANTED SA TANGKANG PAGPATAY SA KANYANG KABABAYAN, ARESTADO

Isang Taiwanese national na wanted sa Taipei ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa bayan ng Real, Quezon. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng BI fugitive search unit (FSU), ang 53 anyos na si Huang Kuan-I ay 17 taon nang nagtatago sa batas sa kanilang bansa matapos nitong tangkaing patayin ang kaniyang kababayan. Bitbit ng BI ang Warrant of Deportation makaraang makatanggap ng impormasyon sa kinaroroonan ng dayuhan. Mayroon ding outstanding warrant si Huang na inisyu ng Hualien prosecutor’s office sa Taiwan noong 2004 laban sa kanya. “Aside from being an undesirable alien, he will also be deported for being an undocumented alien because his passport already expired in February 2019 and has not been renewed since,” sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy. Dagdag pa ni Sy, si Huang ay overstaying na sa bansa mula nang dumating ito sa Pilipinas noong April 2009 upang takasan ang ginawang krimen. “He fled to the Philippines a year before a Taiwanese judge sentenced him to eight years in prison for attempted murder,” ayon kay Sy. Sa impormasyon na ibinigay ng BI, si Huang ay napatunayang nagkasala sa pamamaril at lubhang pagkasugat ng kanyang biktima sa Hualien, Taiwan noong 2004 matapos ang kanilang mainitang pagtatalo. Pansamantalang nakadetine ngayon sa BI warden facility sa Taguig City ang akusado habang hinihintay ang kanyang deportation . Ayon sa BI, ilalagay din sa immigration blacklist at pinagbabawalan nang makapasok sa bansa si Huang.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News