Logo
FEATURED

BI, NAGBABALA SA MGA FOREIGN NATIONAL NA MAKIKIBAHAGI SA 2022 ELECTIONS

Published Oct 14, 2021 11:01 AM by: NET25

BI, NAGBABALA SA MGA FOREIGN NATIONAL NA MAKIKIBAHAGI SA 2022 ELECTIONS

Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga foreign nationals na nais makilahok sa nalalapit na 2022 elections. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na dapat irespeto ng mga dayuhan ang batas sa Pilipinas at iwasan na makibahagi sa mga aktibidad na may kinalaman sa election. Diin ni Morente, bawal sumali ang mga banyaga sa partisan political activities sa bansa tulad ng kilos protesta at pangangampanya na malinaw na paglabag sa ating batas. Maging ang mga may hawak ng permanent residence visas ay pinagbabawalan ding sumali sa mga aktibidad na may kinalaman sa halalan. “Foreigners joining mass actions and protests including election campaigns is a disrespect to our prescribed laws and is considered as a violation of their stay in the Philippines,” ayon kay Morente. “Those foreigners who will be found guilty of such acts, especially electioneering, shall be deported and blacklisted, perpetually barring them from returning to the Philippines,” babala pa ni Morente. Bukod dito, hindi na rin papayagan ang mga dayuhan na makapasok sa bansa at magiging blacklisted. Una nang nagbabala si Morente sa kanilang mga kawani na umiwas din sa pakikibahagi sa pulitika. “We are sending this early reminder as we have encountered so many deportation cases of foreigners who have engaged in political activities in the past. Those foreigners who will be found guilty of such acts, especially electioneering, shall be deported and blacklisted, perpetually barring them from returning to the Philippines,” dagdag ni Morente.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News