Logo
FEATURED

INDOOR RELIGIOUS ACTIVITIES SA METRO MANILA, ITATAAS NA SA 30 PERCENT ANG KAPASIDAD

Published Oct 14, 2021 10:58 AM by: NET25

INDOOR RELIGIOUS ACTIVITIES SA METRO MANILA, ITATAAS NA SA 30 PERCENT ANG KAPASIDAD

ITINAAS na ngayon sa 30% ang indoor religious activities kasunod ng paglalagay sa National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3 na magsisimula sa Oktubre 16. Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagluluwag sa quarantine restriction sa Kalakhang Maynila mula sa nasabing petsa hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan. Paglilinaw ni IATF at Presidential spokesperson Harry Roque, mga fully vaccinated lamang ang maaaring papasukin sa loob ng simbahan. 50% naman ang pahihintulutang makapagdaos ng pagsamba sa labas ng simbahan kahit ano pa ang vaccination status. Magugunitang, 10% lamang ang pinahintulutang capacity sa indoor activity ng simbahan kaugnay ng naging pagpapatupad ng Alert level 4 dito sa NCR. Habang 30% ng mga fully vaccinated ang papayagan sa indoor exhibitions, reception, amusement parks, movie houses, licensure exams at iba pa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News