Logo
FEATURED

6 NAGTANGKANG MANGHOLDAP SA GAS STATION, TIGOK SA SHOOTOUT

Published Oct 14, 2021 10:31 AM by: NET25

6 NAGTANGKANG MANGHOLDAP SA GAS STATION, TIGOK SA SHOOTOUT

6 NAGTANGKANG MANGHOLDAP SA GAS STATION, TIGOK SA SHOOTOUT ANIM na hinihinalang magnanakaw ang nasawi sa shootout kaninang madaling araw sa Marcos Highway sa Sitio Boso-Boso, Barangay San Jose, Antipolo City. Ayon sa Antipolo City Police, tinangkang pagnakawan ng anim ang isang gasoline station sa nasabing lugar kaninang alas-1 ng madaling araw. Isang pulis ang aktong nakasaksi sa pagtatangka ng grupo na unang nagpaputok laban sa alagad sa batas. Sinabi ng Crime Operatives o SOCO personnel na wala silang nakuhang identification card sa mga labi ng mga napaslang na suspek. Aabot naman sa 40 bala ang nagamit sa nasabing barilan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News