Logo
FEATURED

HABAGAT PUNTIRYA ANG LUZON; GABI HUMABA PA

Published Oct 14, 2021 09:25 AM by: NET25

HABAGAT PUNTIRYA ANG LUZON; GABI HUMABA PA

ANG Habagat na ang sanhi ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Luzon. Partikular na apektado ng nasabing weather system ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon. Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay daranas ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. Bahagya hanggang malakas na alon ang maitatala sa karagatan. Samantala, humaba pa ang gabi, sumikat ang araw alas-5:47 kaninang umaga at lulubog alas-5:37 ng dapithapon. Bagaman makulimlim ang panahon dulot ng Habagat, mataas ang temperature na aabot sa 31.7 °C na mararamdaman alas-1:50 PM.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News