Logo
FEATURED

BILANG NG KASO NG COVID-19, PATULOY ANG PAGBABA

Published Oct 13, 2021 06:23 PM by: NET25 News

BILANG NG KASO NG COVID-19, PATULOY ANG PAGBABA

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso na naitatala sa bansa base sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH). Sa case bulletin ngayong October 13, nakapagtala lamang ng 7,181 na bagong kaso ng COVID-19. Dahil dito umakyat na sa 2,690,455 ang kabuuang kaso o tinatamanan ng virus sa bansa. Sa bilang na ito, nanatiling aktibo ang nasa 82,411. Umabot naman sa 2,567,975 ang total recoveries dahil sa karagdagang 6,889 ngayong araw. Nadagdagan naman ng 173, ang pumanaw sanhi upang maging 40,069 ang namamatay na sa sakit. Ayon sa DOH, ang mababang naitala na kaso ngayong araw ay bunsod ng mababang laboratory output nitong Oct.11.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News