Logo
FEATURED

ILLEGAL RECRUITER HULI SA CLARK AIRPORT, 2 BIKTIMA NABAWI NG BI

Published May 26, 2023 05:18 PM by: NET25 News | 📷: BUREAU OF IMMIGRATION, REPUBLIC OF THE PHILIPPINES FB

ILLEGAL RECRUITER HULI SA CLARK AIRPORT, 2 BIKTIMA NABAWI NG BI

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang hinihinalang illegal recruiter habang nailigtas ang dalawang biktima nito makaraang mabisto sa pangungulit ng immigration officer at tip ng impormante.   Sa report ng Travel Control and Enforcement Unit ng BI, ang tatlong pasahero na nakatakdang bumiyahe bilang mga turista sa Hong Kong, sa pamamagitan ng Cebu Pacific Airlines, ay hinarang sa Clark International Airport.   Base sa paunang interbyu sa dalawang biktima, nagpakilala sila na yaya ng 60-taong gulang na nakilala sa pangalang Pauline at kasama nila sa biyahe at bitbit ang dalawang menor de edad na anak.   Sa pangungulit ng immigration officer, kumanta ang dalawa na tutungo sila sa United Arab Emirates at nakatakdang magtrabaho bilang household service workers, na may sahod na 1600 Dirhams.   Inamin ng dalawang biktima na sa Facebook nila nakita ang job offer at sila ay sinabihan na bibiyahe kasama si Pauline at dalawang anak nito.   Inamin din ng dalawa na inutusan sila na magpanggap bilang empleyado ni Pauline.   Hindi muna pinangalanan ang dalawang biktima at ang nahuling rekruter bilang pagtalima sa anti-trafficking laws.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News