Logo
FEATURED

ALEGASYON NG TORTURE SA MGA SUSPEK NI DEGAMO, INIIMBESTIGAHAN NG DOJ

Published May 26, 2023 04:57 PM by: NET25 News | 📷: PNA

ALEGASYON NG TORTURE SA MGA SUSPEK NI DEGAMO, INIIMBESTIGAHAN NG DOJ

Inihayag ngayon ng Department of Justice (DOJ) na iniimbestigahan na ang akusasyon na pinahirapan ng Negros Oriental Police ang apat sa mga nahuling suspek upang idiin si 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.   Kinumpirma ito ni DOJ Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano bilang reaksyon sa video message na pinost ni Teves sa social media na imbestigahan ng ahensya ang usapin ng pag-torture sa mga nasakoteng suspek.   Magugunitang hinamon ni Teves si Justice Secretary Crispin Remulla sa pamamagitan ng social media na para maging patas ay dapat imbestigahan ang reklamo ng mga suspek.   Sa isang panayam, inamin ni Clavano na ikinagulat ng DOJ ang pagbaligtad ng apat na suspek, sa kabila ng mga pabor at ibinigay ang lahat ng kanilang mga kahilingan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News