Logo
FEATURED

ISA PANG DEGAMO SUSPEK, NAGHAIN NG PETITION FOR HABEAS CORPUS SA MANILA RTC

Published May 26, 2023 04:53 PM by: NET25 News

ISA PANG DEGAMO SUSPEK, NAGHAIN NG PETITION FOR HABEAS CORPUS SA MANILA RTC

Naghain ng petition for habeas corpus sa Manila Regional Trial Court (RTC) ang kampo ng isa pang suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.   Ang petition for habeas corpus ay isinumite sa Manila RTC ni Atty. Danny Villanueva, counsel ng suspek na si Joven Javier.   Una nang naghain ng parehong petisyon sa Manila RTC noong May 22 ang suspek na si Jhudiel Rivero.   Sí Javier ay nag-retract na rin sa kaniyang testimoniya na nagdidiin kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. sa kaso ng pagpatay kay Degamo.   Nakasaad sa petisyon na nanganganib ang buhay ni Javier dahil may planong ipapatay ang suspek sa pamamagitan ng pekeng senaryo na tumakas si Javier o magwawala.   Nanindigan ang kampo ni Javier na wala pang naisasampa na kaso laban sa kaniya kaya walang batayan upang siya ay ikulong.   Nakasaad sa petition na hindi nagboluntaryo si Javier sa Witness Protection Program (WPP) at iginiit na walang nagawang krimen kaya hiniling sa Manila RTC na atasan sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo Delemos na iharap siya sa korte at palayain.   "Today we filed a habeas corpus for the release of Joven Javier. The said suspect had also retracted his previous statements. We have also informed the court that his life is in grave danger as there is a plot to get him killed in an artificial scenario of escaping and/or of having ran amuck....   ...No case/s has yet been filed against Joven Javier, hence there is no basis to detain him. He did not voluntarily agree to place himself under WPP. He did not commit any crime, thus he should be freed immediately," ayon sa petition.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News