Logo
FEATURED

LGUs MAGHANDA SA SUPER BAGYO —PBBM

Published May 26, 2023 03:42 PM by: NET25 News | 📷: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE FB

LGUs MAGHANDA SA SUPER BAGYO —PBBM

Pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan sa mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar na tatawaging Betty pagpasok sa bansa. Kasabay nito ay tiniyak din ng Pangulo sa pubiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon. Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga relief goods sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo, karamihan sa hilagang Luzon. Binanggit ni Marcos na inaasahan ng state weather forecaster na palalakasin ni Mawar ang habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa ibang mga lugar, kahit na hindi ito inaasahang tatama sa lupa. Ipinauubaya ni Marcos sa mga LGUs kung ano ang nararapat na gawin kasabay ang pagtiyak na nakaalalay sa kanila ang national government. "We leave it to the LGUs right now to make the call kung ano ang gagawin nila. Pero nandito lang sinasabi namin the national government is here to assist. We are in constant contact with the local governments para makita natin kung ano ang sitwasyon sa kanilang lugar," dagdag pa ng Pangulo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News