Logo
FEATURED

BEBOT BINARIL SA ULO, PATAY, KASAMA SUGATAN SA ZAMBOANGA CITY

Published Mar 18, 2023 08:41 PM by: NET25 News

BEBOT BINARIL SA ULO, PATAY, KASAMA SUGATAN SA ZAMBOANGA CITY

Dead on the spot sanhi ng tinamo na bala sa ulo ang isang babae habang sugatan naman ang lalaking kasama ng malapitan na barilin ng hindi pa nakilalang suspek nitong Biyernes ng hapon sa Zamboanga City. Nakilala ang biktima na si Sarina Saddalani, nasa hustong gulang, residente ng San Jose Gusu Street, Brgy. San Jose ng nasabing lungsod. Inoobserbahan sa Zamboanga City Medical Center ang sugatan na si Rodrigo Madranca, 32, ng Brgy. Upper Calarian. Base sa ulat ni Police Major Shellamae Chang, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang pamamaril dakong 4:45 ng hapon sa Zone 5 A, Sitio Caragasan, Brgy. Maasin, Zamboanga City. Ayon sa imbestigasyon, nagtungo sa lugar ang dalawang biktima upang kunin ang isang unit ng Honda XR nang biglang dumating ang suspek at pagbabarilin ang mga biktima. Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Brgy. Maasin. Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang limang basyo ng cal. 45 pistol. Inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng salarin.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News