BAHAY KALINGA SA BAHRAIN WALANG DISTRESSED OFW NA INAALAGAAN - SOLON
Published Mar 18, 2023 04:26 PM by: NET25 News|📷 PH EMBASSY IN BAHRAIN FB
Iniulat sa Kamara ni Kabayan Party-list Representative Ron Salon na wala kahit isang Filipino migrant worker ang nananatili sa Bahay Kalinga sa bansang Bahrain. Ang Bahay Kalinga ang nagsisilbing ‘shelter’ ng mga distressed overseas Filipino Worker (OFW). Para kay Salo, patunay ito na maayos ang pakikitungo ng Bahrain sa mga OFW. “We are satisfied that in our visit, there are no homeless and distressed OFWs in Bahrain needing refuge in the Bahay Kalinga. This is a good sign that our OFWs are taken good care of here in Bahrain,” pahayag ni Salo. Sa pag-iikot sa Bahrain, sinamantala ni Salo na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Bahrain, partikular sa oportunidad at kapakanan ng mga OFW na nakabase sa nasabing bansa. Kasabay ng pagdalo ng kinatawan sa 146th Assembly of the Inter Parliamentary Union (IPU), ay nakipag-pulong ito sa ilang opisyal ng Parliament of Bahrain at Foreign Recruitment Agencies of Bahrain. Hiling nito sa mga recruitment agency na tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW. “In turn, they assured us that they conduct the necessary interviews and background checks on their employers. I was also asked to ensure that our HSWs are properly briefed of the laws, culture, and norms in Bahrain before deployment, and that they are endowed with the appropriate skills for their jobs,” paglalahad ni Salo. Sa pinakahuling datos ng labor government agencies, nasa 55,790 Filipino migrant workers ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Bahrain bilang skilled at professional employees.
Latest News