3 FRAT MEMBER, INIREKOMENDANG GAWING STATE WITNESS
Published Mar 18, 2023 03:38 PM by: NET25 News|📷 SENATE OF THE PH SCREENGRAB/PNA
Irerekomenda na ng National Bureau of Investigation (NBI) na gawing 'state witness' ang tatlo sa 20 miyembro ng Tau Gamma fraternity kaugnay sa nagana na hazing at pagkamatay ni John Matthew Salilig. Ito ay dahil sa ginawang pakikipagtulungan ng tatlo sa imbestigasyon na naging daan para matukoy ng NBI kung sino-sino ang pangunahing mga sangkot sa pagkamatay at pagbaon sa labi ni Salilig sa Biñan City, Laguna. Ayon sa NBI, bahala na umano ang Supreme Court sa pagdesisyon kung makakapasok ang tatlo sa "Witness Protection Program (WPP)" base sa kanilang mga pahayag. Bukod sa tatlo, may iba pang lumapit sa NBI para kusang magbigay ng kanilang mga nalalaman ngunit hindi pa nila inirerekomenda sa WPP. Isa sa mga lumantad at lumapit sa NBI ay nagsabing natatakot siya sa kaniyang kaligtasan makaraang makatanggap na umano ng pagbabanta sa iba nilang miyembro na may masamang mangyayari sa kaniya kung lalabas ang totoong nangyari kay Salilig. Sumailalim rin sa hazing ang naturang fratman at nananawagan na ngayon sa lahat ng fraternity na wakasan na ang anumang uri ng karahasan.
Latest News