Logo
FEATURED

DRIVER NAAKTUHANG NAGSA-SHABU SA LOOB NG SASAKYAN SA BGC

Published Feb 08, 2023 05:00 PM by: NET25 News

DRIVER NAAKTUHANG NAGSA-SHABU SA LOOB NG SASAKYAN SA BGC

Timbog ang isang 52-anyos na lalaki ng maaktuhang sumisinghot nang iligal na droga sa mismong minamaneho nitong sasakyan, sa Taguig City, kahapon ng umaga. Nakilala ang nadakip sa pamamagitan ng iprinisintang driver’s license na si Edward Larena, ng Syquia St. Sta Ana, Manila. Sa inisyal na ulat, dakong alas-9:30 nitong Miyerkules nang arestuhin ang suspek ng Security Officer ng Bonifacio Global City sa likurang bahagi ng Serrendra One, District 2 Area ng BGC. Nabatid na nagsasagawa umano ng bump operation ang mga security personnel nang lapitan ang isang Mitsubishi Xpander na kulay itim dahil sa iligal na pagparada. Nang puntahan ang unahan ng sasakyan ay nadatnan pa umano ang driver na mag-isang sumisinghot ng shabu, batay na rin sa mga nakitang drug paraphernalias na kinumpiska. Agad na itinurn-over ang suspeck sa pulisya.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News