Logo
FEATURED

BILANG NG WALANG TRABAHO PINOY, BAHAGYANG TUMAAS -PSA

Published Feb 08, 2023 05:16 PM by: NET25 News | 📷: PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY FB

BILANG NG WALANG TRABAHO PINOY,  BAHAGYANG TUMAAS -PSA

Tumaas sa 4.3 percent ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong nakalipas na Disyembre ng nagdaang taon. Katumbas ito sa kabuuang bilang na 2.22 milyong Pinoy na walang trabaho. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito ay mas mataas sa 4.2 percent o may 2.18 milyong jobless Pinoy noong buwan ng Nobyembre 2022. Gayunman, ang jobless rate noong Dec. 2022 ay ikalawa namang mababa mula taong 2005. Mas mababa din ito sa unemployment rate noong Dec. 2021 na pumalo sa 6.6 percent. Ang full year unemployment rate para sa taong 2022 ay 5.4 percent kumpara sa pre-pandemic average na 5.1 percent noong 2019. Bumaba rin ang bilang ng under-employment na nasa 12.6 percent o may 6.2 milyong Pinoy na naghahanap ng trabaho kumpara sa 14.4 percent o nasa 7.16 milyong Pinoy na naghahanap ng trabaho sa nagdaang buwan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News