Logo
FEATURED

SABWATAN NG ILANG DOH OFFICIAL SA MULTI-MILYONG CANCER FUND, IBINUNYAG

Published Feb 08, 2023 05:00 PM by: NET25 News

SABWATAN NG ILANG DOH OFFICIAL  SA MULTI-MILYONG CANCER FUND, IBINUNYAG

Ibinunyag ng isang tauhan ng Department of Health (DOH) ang umano’y sabwatan ng ilang opisyal ng ahensya kaugnay sa maanomalyang paggamit ng multi-milyong pondo para sa cancer program ng pamahalaan. Ayon kay Dr. Clarito Cairo Jr., program manager ng cancer control division ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, na ito ay may kaugnayan sa paglilipat ng nasa P809 milyong pondo sa 20 specialized public hospital sa halip na sa 31 pagamutan. Anim na opisyal sa DOH ang inireklamo ni Cairo sa Tanggapan ng Ombudsman ukol dito. Sa kaniyang akusasyon, binanggit ni Cairo na naglabas ng memorandum ang kanilang bureau director noong Hunyo 3, 2022 sa "sub-allotment" ng pondo para sa Cancer and Supportive-Palliative Medicines Access Program (CSPMAP) sa National Integrated Cancer Control Council. Sa halip umano na "sub-allotment" ng pondo, iginiit ni Cairo na dapat ay "pooled procurement" o isahang bilihan ang ginawa para sa cancer program na mas episyente, makakatipid at mas maraming gamot na mabibili ang DOH. Bukod sa memorandum, may iba pa umano siyang patunay na nagkaroon nga ng sabwatan dahil sa hindi naman maisasagawa ang "sub-allotment" ng walang pangsang-ayon ng bawat opisyal. Una nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang naturang "sub-allotment" ay lehitimo at ang halaga na inilipat sa mga napiling access sites ay base sa kanilang sariling kahilingan. Ang mga ospital naman na hindi napasama sa CSPMAP funds ay binigyan naman ng mga gamot laban sa cancer at cancer assistance funds.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News