3 PINAY NAWAWALA SA 7.8 MAGNITUDE NA LINDOL SA TURKEY
Published Feb 08, 2023 04:55 PM by: NET25 News | 📷: AFP
Tatlong Pinay ang sa pinakahuling ulat ay nawawala matapos ang 7.8 magnitude na lindol sa Turkey at Syria. Ayon ito kay Weng Timoteo, vice -president ng Filipino Community sa Turkey. Sinabi ni Timoteo na ang tatlong Pinay na nawawala ay mula sa lugar ng Hatay na isa sa 11 na lalawigan na matinding nakaramdam ng malakas na pagyanig sa Turkey kung saan gumuho ang kanilang tinitirhan at isa rito ay may tatlong anak. Bukod dito, sinabi pa ni Timoteo na dalawa pang Pinay ang nawawala at kinukumpirma kung nasawi rin makaraang ikuwento ng amo ng isa nawawala na namatay na umano ang kasambahay na Pinay. Hanggang sa kasalukuyan ay hirap pa rin ang komunikasyon sa Turkey at may mga lugar na hindi pa rin naaabot ng search and rescue team dahil sa mga nasirang daan. Habang sinusulat ang ulat na ito, mahigit na sa 7,000 katao ang nasawi dahil sa lindol.
Latest News