Logo
FEATURED

PAGPAPADALA NG BAGUHANG OFW SA KUWAIT, PINIGIL NG DMW

Published Feb 08, 2023 03:30 PM by: NET25 News | 📷: DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS FB

PAGPAPADALA NG BAGUHANG OFW SA KUWAIT, PINIGIL NG DMW

Pansamantalang itinigil ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng first-time applicants sa mga gustong magtrabaho sa Kuwait bunga ng magkasunod na insidente ng pagpatay at pisikal na pang-aabuso sa overseas Filipino workers. Ang pansamantalang deployment suspension ay inihayag ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople sa gitna ng kasalukuyang pag-uusap upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng pagkamatay ng domestic worker na si Jullebee Ranara . Sinabi ni Ople na ang desisyon ay saklaw ang mga kontrata ng Kuwait-bound first-time OFW domestic workers, lalo na ang mga household service worker Ang serye ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait government's ay naka-iskedyul upang talakayin ang kapakanan ng mga OFW. Ipinaliwanag ni Ople na hindi isinasaalang-alang ang deployment ban dahil makakaapekto ito sa humigit-kumulang 260,000 OFWs, nasa 195,000 sa kanila ay mga household service worker, na kasalukuyang nasa Kuwait. Sa halip na Kuwait, sinabi ni Ople na may mga bansa pang maaaring pagpilian ng mga domestic workers. Binanggit din ng kalihim ang magandang relasyon ng Saudi Arabia at Pilipinas pagkatapos ng bilateral talks noong Nobyembre 2022.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News