PANUKALA NA PATAWAN NG MAS MALAKING BUWIS ANG LUXURY ITEMS, SUPORTADO NI PBBM
Published Feb 08, 2023 03:30 PM by: NET25 News
Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas sa Kamara na naglalayong patawan ng mas malaking buwis ang mga luxury goods. Inihain sa Kamara ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang panukala na patawan ng "wealth taxes" ang mga tinatawag na “super-rich” individuals upang matugunan ang "economic inequality." Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kasalukuyang buwis na ipinapataw sa mga luxury goods ay "only covers very specific items." "I think right now the tax on luxury goods only covers very specific items and luxury goods as those who have put in some study on this know hindi nagbabago ang demand dyan kahit anong sitwasyon," sinabi ni Marcos sa sidelines ng 2023 National Tax Campaign Kickoff ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Pasay City. “For the rest of us, who are not necessarily consumers of luxury goods ay ramdam natin kapag bumagsak ang ekonomiya, ngunit kung titingnan ninyo, ‘yung mga luxury items, ‘yung mga magagarang kotse, ‘yung mga designer na damit at saka mga bag, hindi nagbabago ang presyo niyan dahil may kaya ang mga bumibili,” ayon sa Pangulo. “So palagay ko naman, it’s reasonable that we will tax the consumption side of those who are consuming luxury items,” dagdag na pahayag ng Pangulo. Ayon kay Salceda, principal author ng House Bill No. 6993, ang gobyerno ay maaaring makakolekta ng "P15.5 billion annually if the luxury taxes are raised from 20 percent to 25 percent." Kabilang sa mga non-essential goods na ito ang "luxury watches, luxury cars, private jets, sale of residential properties above P100 million, beverages priced at over P20,000 and leather goods costing above P50,000."
Latest News