Logo
FEATURED

68 PASAHERO, CREW NIRESCUE SA BASILAN

Published Feb 08, 2023 03:36 PM by: NET25 News |📷: PHILIPPINE COAST GUARD FB

68 PASAHERO, CREW NIRESCUE SA BASILAN

Sinaklolohan at nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southwestern Mindanao ang 68 pasahero kabilang ang mga crew ng isang motor launch na ‘ML SULNA’ sa karagatan bahagi ng Panducan Point, sa Basilan kaninang umaga, Pebrero 8. Mabilis na rumesponde ang Coast Guard manned BFAR vessel, MCS-3007 at ang Coast Guard Station Zamboanga para sa emergency ng search and rescue (SAR) operations. Ayon sa mga tripulante, nakaranas ang ML SULNA ng engine trouble habang naglalayag mula Zamboanga City patungong Taganak,Tawi-Tawi. Ligtas na at nasa maayos na kalagayan ang 57 pasahero at 11 crew members ng motor launch at hinatak ng PCG search and rescue teams sa Zamboanga City port.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News