GO, UMAPELA NG PAGTUTULUNGAN UPANG MAIWASAN ANG TEENAGE PREGNANCY
Published Feb 08, 2023 03:28 PM by: NET25 News
Nanawagan si Senator Christopher "Bong" Go ng pagtutulungan ng gobyerno, school authorities at mga magulang upang maiwasan ang teenage pregnancy sa bansa. Iginiit ni Go na hindi mareresolba nang mag-isa ng gobyerno ang nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga teenager na maagang nabubuntis. Ayon kay Go, pangunahing responsibilidad ng mga magulang na tingnan at bantayan mabuti ang kanilang mga anak at tugunan ng gobyerno ang mataas ng bilang ng teenage pregnancy. Sinabi ni Go na dapat tutukan ng gobyerno ang pagpapalakas sa edukasyon upang maging abala ang mga kabataan sa pag-aaral at hindi maligaw ng landas at maging batang ina. Umapela rin siya sa mga lokal na pamahalaan, partikular na ang mga barangay captains at kagawad na bantayan at pangaralan ang mga kabataan upang maiwasan ang teenage pregnancy.
Latest News