Logo
FEATURED

NEW BORN BABY, NAILIGTAS SA GUMUHONG GUSALI SA SYRIA

Published Feb 08, 2023 02:46 PM by: NET25 News|📷 AFP

NEW BORN BABY, NAILIGTAS SA GUMUHONG GUSALI SA SYRIA

Isang bagong panganak na babaeng sanggol ang nailigtas ng mga rescuer mula sa ilalim ng gumuhong gusali sa Syria bunsod ng 7.8 magnitude na lindol. Ayon sa kamag-anak, ang ina ng sanggol ay nanganak pagkatapos ng lindol at bago ito namatay. Nasawi rin ang ama, apat na kapatid ng sanggol. Ang gusaling tinitirhan ng kanyang pamilya ay isa sa humigit-kumulang 50 na iniulat na nawasak ng 7.8-magnitude na lindol sa Jindayris, isang bayan sa lalawigan ng Idlib na malapit sa Turkey border. Sinabi ng tiyuhin ng sanggol na si Khalil al-Suwadi na agad silang sumugod ng kaniyang mga kamag-anak sa pinangyarihan nang malaman nila ang pagguho ng gusali. "We heard a voice while we were digging. We cleared the dust and found the baby with the umbilical cord [intact], so we cut it and my cousin took her to hospital," kuwento ni Suwadi. Ayon naman kay Hani Maarouf, doktor na tumingin sa sanggol, hindi maayos ang kondisyon ng bata noong dinala ito sa ospital. Aniya, nagtamo ito ng maraming sugat at pasa sa katawan. Mayroon ding hypothermia ang sanggol dahil sa matagal itong na-expose sa lamig. Ayon sa Damascus-based government at ng White Helmets, emergency service sa lugar, aabot na sa 2,000 katao na ang bilang ng nasawi sa Syria. Habang 4,500 katao ang naitatalang namatay sa Turkey, kung saan ang sentro ng lindol. Umapela naman ang White Helmets sa lahat ng humanitarian organization at international bodies na magbigay ng material support at tulong. Nangako naman ang United Nations na gagawin ang lahat ng paraan upang makakuha ng tulong, ngunit pansamantalang itinigil ang paghahatid ng tulong dahil sa mga nasirang kalsada.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News