Logo
FEATURED

GO, DINEPENSAHAN SI PBBM SA ISYU NG EDCA

Published Feb 08, 2023 01:36 PM by: NET25 News |📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

GO, DINEPENSAHAN SI PBBM SA ISYU NG EDCA

Dinepensahan ni Senator Christopher "Bong" Go si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa isyu ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ayon kay Senator Go, walang pinapanigan ang Pangulo sa girian ng China at US. Kung pagbabasehan ang mga pahayag ng Pangulo, inuuna aniya nito ang interes ng mga Pilipino. Inihalintulad pa ng senador si Marcos kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na "friend to all, enemy to none" at mas inuuna ang interes at kapakanan ng mamamayan. Para kay Go, tama ang mga ginawang hakbang ni Pangulong Marcos na walang kinakatigan sa pagitan ng US at China dahil maliit lamang aniya tayong bansa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News