BABAENG BIKTIMA NG SALVAGE, ISINAKO, ITINAPON SA ILOG
Published Sep 22, 2022 05:55 PM by: NET25 News
Isang bangkay ng babaeng pinaniniwalaang biktima ng summary execution na isinilid sa sako ang nabingwit sa Tullahan River, Huwebes ng umaga sa Malabon City. Dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa Tullahan River na sakop ng Northern Hills Property Compound, Industrial Road Brgy. Potrero, Malabon. Nangunguha ng basura si Alfredo Broa, 73, sa lugar nang madiskubre nito ang isang sako kung saan nakasilid ang katawan ng isang babae. Ayon sa pulisya, ang biktima ay may tattoo sa kanang binti at kaliwang bisig at nakasuot ng itim na sando at brown checkered short pants. Naka-posas ang mga kamay ng biktima habang ang kanyang mga paa ay nakatali ng wire na nakakabit sa posas habang naka-balot naman ng masking tape ang kanyang mukha. Patuloy naman ang follow up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan ng biktima na dinala sa PNP crime laboratory para sa autopsy examination.
Latest News