Logo
FEATURED

CRIME RATE BUMABA SA LOOB NG 2 ARAW - PNP

Published Sep 22, 2022 04:42 PM by: NET25 News | 📷 : Office of the Chief PNP FB

CRIME RATE BUMABA SA LOOB NG 2 ARAW - PNP

Ibinida ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime rate sa buong bansa sa loob ng dalawang araw mula Setyembre 18 hanggang 19. Sa datos na inilabas sa midya ng PNP Crime Research Analysis Center, bumaba ang index crimes sa 34 na kaso noong Lunes mula sa 83 kaso noong Linggo. Ang index crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping. Bumaba rin ang non-index crimes sa 89 na kaso mula sa 721 kaso sa loob ng naturang panahon. Ang mga kaso ng paglabag sa Anti-Gambling Law ang nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba dahil sa mahigpit na pagbabantay ng PNP sa ilegal na sugal. Sa pahayag, sinabi ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. na doble ang pagsisikap ng PNP laban sa kriminalidad alinsunod sa bilin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas ang pakiramdam ng mga mamamayan sa kanilang kapaligiran.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News