Logo
FEATURED

DOLE UMAMIN NA PROBLEMA PA RIN ANG CHILD LABOR SA PILIPINAS

Published Sep 22, 2022 04:36 PM by: NET25 News

DOLE UMAMIN NA PROBLEMA PA RIN ANG CHILD LABOR SA PILIPINAS

Nangungunang sakit ng ulo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang talamak na child labor practice sa bansa. Pag-amin ito ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma sa mensaheng ipinarating sa National Council Against Child Labor (NCACL) at inilahad na ipinarating na niya sa Kongreso na hiling na pondohan ang mga proyekto ng kagawaran para masugpo ang child labor. “Ang inyong lingkod ay humarap sa Kongreso upang ipresenta ang mga proyekto at programa ng Kagawaran na nais nating matutukan ng pansin at pondo ng administrasyon na ito. Ikinagagalak kong ibahagi na ang isyu ng pagsugpo sa child labor ay kabilang sa ating isinusulong na priority programs," mensahe ni Laguesma sa Kongreso. Ang mensahe ng kalihim ay ibinigay ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay sa 3rd anniversary celebration ng institutionalization ng National Council against Child Labor (NCACL) noong Setyembre 15 sa Maynila. Pinangunahan ng DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns ang pagpapatupad ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL) na naglalayong baguhin ang buhay ng mga child laborers, mga pamilya, at mga komunidad sa pamamagitan ng proteksyon, withdrawal, reintegration sa isang mapagmalasakit na lipunan, at mga hakbang sa pagbabawas ng kahirapan. Ang NCACL ay itinatag sa bisa ng Executive Order No. 92 noong Setyembre 19, 2019 na ang pangunahing mandato ay paigtingin ang patakaran ng pamahalaan para tiyakin na mabibigyan ng pantay na karapatan ang mga bata at sagipin sa kultura at putikan ng child labor. Ayon sa International Labor Organization, ang kahirapan ay nananatiling isang malakas na puwersa na tumutulak sa mga bata para magtrabaho.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News