Logo
FEATURED

MARCOS SA PNP MANATILING TAPAT, HUWAG ABUSADO

Published Aug 08, 2022 04:16 PM by: NET25

MARCOS SA PNP MANATILING TAPAT, HUWAG ABUSADO

Manatiling tapat at huwag maging abusado sa pagtupad ng tungkulin. Ito ang ginawang paalala ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa Philippine National Police (PNP). Sa kanyang pagdalo sa 121st Police Service Anniversary na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, sinabi ni Marcos na dapat na ibigay ng bawat pulis ang kanilang dedikasyon sa pagseserbisyo. Binanggity din ng Pangulo na kailangan ng PNP ang suporta ng publiko upang mapanatili ang peace and order sa bansa kasabay ng pag-unlad. Aniya, walang imposible kung sama-sama at tulung-tulong upang labanan ang mga nais gumagawa ng gulo. Binigyan diin ni Marcos na dapat tiyakin ng PNP ang paggamit ng puwersa sa kanilang tungkulin upang maiwasan ang mga kontrobersiya at isyu. Samantala, tiwala si Marcos sa pamumuno ni Gen. Rodolfo Azurin bilang PNP chief. Aniya, suportado niya ang mga programa ni Azurin para sa pulis at sa publiko.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News