Logo
FEATURED

PILIPINAS KINAKAPOS NA SA SUPLAY NG DUGO

Published Aug 08, 2022 04:03 PM by: NET25

PILIPINAS KINAKAPOS NA SA SUPLAY NG DUGO

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-donate ng kanilang dugo para mapanatili na sapat ang suplay nito sa mga blood centers at makatulong na magkapagpahaba pa ng buhay ng mga pasyenteng nangangailangan nito. Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naapektuhan ang suplay ng dugo sa bansa sa naganap na pandemya dahil sa COVID-19. “Nananawagan tayo sa ating mga kababayan, doon sa ating mga volunteer blood donors, kung maaari po makapagbigay tayo para ma-sustena natin ang ating supply ng dugo sa ating bansa,” ayon kay Vergeire, sa panayam sa telebisyon nitong Lunes. Partikular na nanawagan ang DOH sa mga regular donors nila tulad ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP), na patuloy na mag-donate ng dugo. Pinaigting rin aniya nila ang kanilang blood donation campaign at sa ngayon ay unti-unti na ring dumadami muli ang mga blood donors.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News