Logo
FEATURED

MISYON PARA SA PAGPAPALAKAS NG EDUKASYON SA PAG ASA ISLAND, NAGING MATAGUMPAY

Published Aug 08, 2022 03:02 PM by: NET25 |📷 PCG

MISYON PARA SA PAGPAPALAKAS NG EDUKASYON SA PAG ASA ISLAND, NAGING MATAGUMPAY

Matagumpay na naihatid ng mga crew ng Philippine Coast Guard (PCG) sakay ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ang mga educational materials mula Maynila patungong Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan. Ang naturang misyon ay naisagawa sa pagtutulungan ng Operation Brotherhood Community Foundation Inc. at PCG Auxiliary (PCGA) 109th Squadron para sa pagtataguyod ng PCG-OB Community Center.  Ang PCG-OB Community Center ay naglalayon na pataasin ang antas kaalaman ng mga kabataan sa Pag-asa Island at itaas ang environmental consciousness ng coastal community dito sa pamamagitan ng pag develop sa kamalayan ng bata sa marine environmental protection. Layon din nito na bigyan ng livelihood training opportunities ang mga magulang sa isla at palakasin ang pakikiisa ng mga mangingisda sa pagtaguyod ng marine environmental protection, maritime security, at maritime search and rescue.  Nakiisa rin sa naturang misyon ang medical unit ng PCG at Special Operations Group.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News