Logo
FEATURED

ROAD CLEARING OPS IKINASA NG DPWH, LGU DAHIL SA LANDSLIDE SA RIZAL

Published Aug 08, 2022 02:51 PM by: NET25 |📸: Baras LGU

ROAD CLEARING OPS IKINASA NG DPWH, LGU DAHIL SA LANDSLIDE SA RIZAL

Puspusan ang ginagawang road clearing operations sa kalsada na bahagi ng Pililia Sagbat diversion rd. sa Baras, Rizal. Ito’y matapos mabarahan ng gumuhong lupa ang kalsada sa lugar sa kasagsagan ng masamang panahon. Batay sa impormasyon mula sa National Disaster Risk Reduction & Management Council o NDRRMC, alas-11 ng umaga kahapon nang mangyari ang landslide. Gayunman, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na walang nasaktan sa insidente subalit nagdulot naman ito ng mabigat na daloy ng trapiko. Tulung-tulong aniya ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways o DPWH at ang Lokal na Pamahalaan ng Baras sa paglilinis sa lugar. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News