Logo
FEATURED

DRUG SUSPEK TIMBOG, P3.4-M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA

Published Aug 08, 2022 02:47 PM by: NET25 |📷 Pdea Ro Ncr

DRUG SUSPEK TIMBOG, P3.4-M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA

Arestado ang isang drug personality sa ikinasang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Pulisya at PDEA sa Litex Road, Commonwealth sa Quezon City.  Kinilala ng PDEA ang naaresto na si Rudy Ancheta kung saan ay nakuha sa kaniya ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3.4 milyong piso.  Nakumpiska mula sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P3.4 milyon ang halaga, marked money at isang cellphone. Ayon kay PDEA QCDO district office IA Cham Sulit, si Ancheta ay dati na umanong nakulong sa kasong gun running at umamin ding gumagamit droga.  Suma-sideline din umano itong runner ng illegal drugs kapalit ng P300. Ang suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.  

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News