Logo
FEATURED

PHILIPPINE ARMY, HANDA NA SA LIBING NI FVR

Published Aug 08, 2022 02:44 PM by: NET25 |📷 Philippine Army

PHILIPPINE ARMY, HANDA NA SA LIBING NI FVR

Handang-handa na ang Philippine Army para sa gagawing State funeral kay yumaong dating Pang. Fidel Ramos sa Libingan ng mga Bayani bukas. Ayon kay Army Spokesman, Col. Xerxes Trinidad, bata-batalyong mga sundalo ang nakatoka upang bigyang parangal ang dating Pangulo bilang dati nilang Commander-in-Chief. Kahapon aniya, nagsagawa na sila ng rehersal kung saan ay kanilang tinantya rin ang oras ng libing mula sa Heritage Memorial Park patungong Libingan ng mga Bayani. Ang unang batalyon ay nakatoka para sa departure honors habang ang ikalawang batalyon naman ay nakadeploy sa Libinhan ng mga Bayani na silang magbibigay ng arrival honors. Duon ay bibigyan ang yumaong dating Pangulo ng full military honors kabilang na ang 21 gun salute sa pamamagitan ng pagpapaputok ng mga kanyon.  Samantala, asahan namang bibigat ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Bayani Road dahil dito daraan ang funeral convoy ng dating Pangulo. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News