Logo
FEATURED

BAR SA THAILAND NASUNOG, 13 PATAY, 40 SUGATAN

Published Aug 05, 2022 05:28 PM by: NET25 News [📷: Handout / Sawang Rojanathammasathan Rescue Foundation / AFP]

BAR SA THAILAND NASUNOG, 13 PATAY, 40 SUGATAN

HINDI bababa sa 13 katao ang namatay at 40 ang nasugatan ngayong Biyernes nang sumiklab ang isang sunog sa isang Thai nightclub. Nangyari ang sunog sa loob ng Mountain B nightclub sa Sattahi district, lalawigan ng Chonburi, mga 150 km o 90 milya sa timog ng Bangkok, ayon sa isang opisyal ng Sawang Rojanathammasathan Rescue Foundation. Nataranta ang mga naturang partygoers na tumatakbo palabas ng club habang sumisigaw at nasusunog ang kanilang mga damit. Ayon sa ahensya, ang nasusunog na acoustic foam sa mga dingding ng club ay nagpatindi ng apoy, at tumagal ng mahigit tatlong oras ang mga bumbero upang maapula ito. Apat na babae at siyam na lalaki ang natagpuang patay, karamihan ay nagsisiksikan sa pintuan at sa banyo, kung saan matinding nasunog labi. Ang lahat ng mga biktima ay pinaniniwalaang mga Thai.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News